Bubuksan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang 10 point-to-point (P2P) provincial bus routes papunta at palabas ng Metro Manila simula sa Disyembre 21.
Sa isang abiso, sinabi ng ahensya na ang naturang 10 ruta ay para sa 269 P2P buses alinsunod sa memorandum circular (MC) 2020-082 na nilagdaan noong Miyerkules.
Ito ay nagbibigay permiso sa mga Public Utility Vehicle (PUV) na bumiyahe palabas ng Metro Manila.
Ang 10 ruta na ito ay:
- Clark, Pampanga – SM North Edsa
- Clark, Pampanga – Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal (with a limited stop in Ortigas)
- Clark, Pampanga – Lubao, Pampanga (with special stops in San Fernando and Angeles City, Pampanga)
- Clark, Pampanga – Dagupan, Pangasinan (with special stops at Rosales and Urdaneta, Pangasinan)
- Clark, Pampanga – Subic, Zambales (with a special stop at Dinalupihan, Bataan)
- NAIA/Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITx) – Baguio City
- Batangas City – Ortigas
- Batangas City – PITx
- Lipa City, Batangas – Ortigas
- Lipa City, Batangas – PITx
Ang mga bus na papayagang bumiyahe ay dapat siguruhin na roadworthy, may valid at existing Certificatew of Public Convenience (CPC) o application ng extension of validty, gayundin ang pagiging rehistrado nito at mayroong personal passenger insurance policy.
Habang ang mga bus naman sa inter-regional routes sa labas ng Metro Manila ay kinakailangan ng special permit mula sa LTFRB.
Para sa mga mag-a-apply ng special permit, i-send lamang ang inyong application sa technical@ltfrb.gov.ph.
Dagdag pa ng ahensya, ang pick-up at drop-off terminals ng mga nasabing provibncial routes ay dapat sumunod sa ipinapatupad na health and safety protocols bago ito bigyan ng clearance na makapag-operate ng kani-kanilang mga local government units (LGUs).
Pinaalalahanan din ng ahensya ang mga bus operators na iwasan ang pagtataas ng pamasahe at palaging sumunod sa mga patakaran ng Inter-Agency Task Force at LGUs.
Bawat bus driversm konduktor, operators at mga pasahero ay kinakailangang sumunod sa “seven commandments.” Ito ay ang pagsusuot ng face mask at face shield, bawal magsalita, bawal kuman, siguruhin na may proper ventilation ang mga PUVs, regular disinfection, hindi pagpayag na bumiyahe ang sino mang pasaher na may sintomas ng coronavirus at gayundin ang pagsunod sa “one seat apart” rule.