-- Advertisements --

ILOILO CITY – Nagsimula na ang 14 day quaratine period ng mga elected municipal officials sa bayan ng Dumangas, Iloilo.

Ito ay matapos nakasalamuha ng dalawang konsehal sa nasabing bayan ang isang COVID-19 positive na dumalo pa sa isang lamay.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Vice Mayor Almar Marfito, sinabi nito na ang dalawang hindi pinangalanang konsehal ay nakatakda nang sumailalim sa Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test.

Sa ngayon, kabilang sa mga naka quarantine ay ang bise alkalde, 7 konsehal, 2 Ex-Officio Members, isang punong barangay at ilang empleyado ng munisipyo.

Napag-alaman na maging ang alkalde ng nasabing bayan na si Mayor Ronaldo Golez ay naka quarantine rin matapos maka close contact ang COVID-19 positive na empleyado ng AC Energy.