Kinumpirma ng Philippine National Police (PNP) na sila ay naghahanda na para sa 2022 Presidential election at bahagi rito ang pagdagdag sa kanilang mga kagamitan.

Ayon kay PNP Chief Oscar Albayalde, nakatakda silang bumili ng 10 helicopters at 50 high speed water crafts para sa tatlong taon nilang election preparation plan.

Layon ng kanilang plano ay para masiguro na mas magiging mapayapa at maiwasan ang mga election related incidents.

Bahagi rin ng paghahanda sa 2022 Presidential polls ay ang pagtatalaga ng mga bagong PNP officials para sa bubuuing sa Task Force na tututok sa halalan.

Karamihan kasi sa mga Police Generals at Senior Officers ay magreretiro na sa 2022.

Kasama rin sa 3-year election plan ng PNP ang hindi magkakaroon ng failure of elections, tiyakin na hindi makapaghasik ng karahasan ang mga private armed groups at criminal gangs, gayundin ang paigtingin ang kampanya laban sa loose firearms.