Catriona swimwear
Cat’s “lava” walk

Tulad ng inaasahan, nasa kanyang home country na ang fourth Pinay Miss Universe na si Catriona Magnayon Gray.

Ito’y ilang araw bago ang big night ng Binibining Pilipinas sa Linggo, June 9, kung saan kanyang ipapasa ang korona sa magiging sunod na kinatawan ng bansa sa Miss Universe.

Kagabi lang nang dumating sa Pilipinas ang 25-year-old Fil-Australian beauty na tubong Bicol.

Galing si Cat sa New York kung saan naroon ang headquarters ng Miss Universe.

“Home,” caption nito sa larawan ng view mula sa airplane window.

Una nang inamin ni Gray na emosyunal siya sa nalalapit na pagpasa sa kanyang Binibining Pilipinas-Universe crown.

“I’m going to the Philippines! I’m so excited because I’m going to attend different charity events while shooting some exciting stuff and, of course, attending Binibining Pilipinas, which means that I will be emotional because I will pass on my Miss Philippines title to the next Filipino who will represent us internationally. I can’t wait to see all of you,” saad nito bago bumiyahe pauwi.

Nitong Abril lang ang huling “tahimik” na pag-uwi ni Gray sa bansa bago ang Holy Week kung saan naging abala siya sa ilang commercial endorsement.