Unti-unti nang nagiging normal uli ang peace and order situation sa Negros Oriental.
Ito’y matapos ang mahigit isang linggong patayan sa mga bayan ng Sta. Catalina, Siaton, Dumaguete, Zamboanguita, Gihulngan, Canlaon at Ayungon.
Ayon kay Philippine National Police spokesman Police B/General Bernand Banac, balik na rin ang mga routine activities ang mga residente pero nakatutok pa rin sila at ang militar para mapanatili ang seguridad.
Samantala, hindi pa kailangan sa ngayon na isailalim sa Martial Law ang buong probinsiya.
Ito’y kasunod ng mga reports na may anim na alkalde ng Negros Island ang pabor na ideklara ang Martial Law doon.
Pero may significant development naman sa kaso, sa katunayan sinabi ni Banac, may mga suspek nang inaresto.
Ito ay mga nagngangalang Victoriano Anadon, Edmar Amaro at Jojo Ogatis, na miyembro umano ng New People’s Army na nahulihan ng baril at pampasabog.
Habang at large naman sina Jonathan Baldivino, Rengie Baluhabo, Gelie Ebedo, Joseph Ogates, Jelly Ebedo at ilang mga John and Jane Does.
Sila ay itinuro ng mga testigo na kasama sa grupong pumatay sa apat na pulis sa Ayungon noong July 18.
Ito ay sina PCpl. Relebert Beronio, Pat. Raffy Callao, Pat. Roel Cabellon, at Pat. Marquino De Leon.
Habang ang tatlong nahuling suspek sa Badian, Cebu, ay wala pang kumpirmasyon kung sila ay kasama sa pumatay sa apat na pulis.
Una nito ay itinaas na sa limang milyong piso ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pabuya para sa pagkakadakip ng mga supek.