Isa patay at isa ang sugatan sa nangyaring pagsabog sa isang gas-refilling station ang Island Air Products Corporation sa Pasay City ngayong Linggo ng umaga.

Sa report na nakuha ng Bombo Radyo, naganap ang insidente bandang alas-10:00 ng umaga sa may bahagi ng Virata Street katabi ng isang bus terminal.

Isinugod na rin sa pinaka malapit na hospital ang isang nasugatan.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng Bureau of Fire Protection sa lugar na pinangyarihan ng pagsabog.

Hindi pa nagbibigay ng opisyal na pahayag ang may-ari ng nasabing gas-refilling station.