BUTUAN CITY – Hindi nakaligtas ang isang senior citizen matapos mahagip ng wing van na umararo sa isang burger stand sa gilid ng kalsada sa may Purok 2, Brgy. Trinidad, Surigao City sa lalawigan ng Agusan del Norte.

Nakilala ang biktimang si Elizabeth Calang Besagas na residente ng Purok 5 ng nasabing barangay.

Nasira rin ang burger stand na pag-aari ng Trinidad Sustainable Livelihood Program Association at inalam pa ng manager na si Elsie Placeros Cayangcang, 44, residente rin ng naturang lugar ang kabuuang danyos nito.

Lumabas sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya na ang kulay blue na Hino wing van na minamaneho ni Romelando Gania, 28, binata at residente ng Brgy. Poblacion, sa bayan ng Marihatag, Surigao del Sur, ay patungo sana sa lungsod ng Butuan nang mawalan ito ng brake at iniwasang mabangga ang naunang sasakyan kung kaya’t nahagip nito ang naglakad na biktima na umararo pa sa burger stand.