-- Advertisements --
Search and rescue

Nagtutulong-tulong na ang Philippine Coast Guard (PCG) sa pamamagitan ng BRP Tubbataha at mga mangingisda sa Davao Oriental para mahanap ang mga nawawalang sakay ng motorbanca na Genesis 2.

Isa na kasi ang kumpirmadong nasawi, habang siyam naman ang pinaghahanap mula sa lumubog na fishing vessel sa Baganga, Davao Oriental kaninang bandang ala-1:00 ng madaling araw.

Sinabi ng kapitan ng bangka na si Allan Donaire, nagkaroon ng biglaang lumaki ang mga alon at lumakas ang hangin habang sila ay nasa laot.

Lumalabas sa manifesto na mayroong 24 crew ang nakasakay nang mangyari ang aksidente sa bahaging iyon ng dagat.

Mabilis naman nagpadala ng mga tauhan ang Philippine Coast Guard (PCG) upang rumesponde sa mga biktimang nawawala.