-- Advertisements --

Sa paggunita ng Labor Day, suportado ng ilang senador ang panawagan para sa konkretong hakbang upang maprotektahan ang mga manggagawa na hirap na sa mataas na presyo ng bilihin at mababang sahod.

Ayon kay Sen. Francis “Kiko” Pangilinan, ang patuloy na pagtaas ng presyo ng langis, pagkain, at pamasahe ay halos inuubos na ang kita ng mga pamilya. Kaya aniya, suportado niya ang panawagan para sa wage increase dahil ito ay “hindi awa kundi hustisya.”

Binigyang-diin din niya na dapat lumikha ang gobyerno ng mas maraming dekalidad na trabaho at ayusin ang mga sistemang nagpapabigat sa gastusin ng mamamayan.

Samantala, sinabi naman ni Sen. Jinggoy Estrada na dapat hindi lang papuri ang ibigay sa mga manggagawa kundi mas matibay na suporta tulad ng subsidies at iba pang ayuda upang maprotektahan ang kanilang kabuhayan.

Sa hiwalay na pahayag, itinulak naman ni Sen. Win Gatchalian ang pag-amyenda sa Magna Carta for Public School Teachers upang mapalakas ang proteksyon, benepisyo, at kondisyon sa trabaho ng mga guro.

Ayon sa datos, mahigit 49 milyong Pilipino ang may trabaho, habang milyon pa rin ang walang trabaho o naghahanap ng dagdag na oras ng pagkakakitaan. (report by Bombo Jai)