Inaasahang magtatagal ang oil price hikes bunsod ng giyera sa Middle East hanggang sa katapusan ng 2026, ayon sa Department of Energy (DOE).
Ipinaliwanag ni DOE Oil Industry Management Bureau Director Rino Abad na napaka-kaunti o di naman ay walang nakakaraang mga barko sa Strait of Hormuz dahil sa mahigpit na blockade ng US Navy sa kabila pa ng umiiral na ceasefire sa pagitan ng US, Israel at Iran.
Aniya, umaasa sila na magtutuluy-tuloy ang indefinite ceasefire at payagang makaraan ang oil tankers para mas mapababa pa oil price.
Dagdag pa ni Abad, ang pangmatagalang kasunduan sa pagitan ng magkabilang panig ay ideal dahil kapag may peace deal, maaaring bumalik ang presyo sa pre-crisis level.
Subalit kung ito aniya ay magtatagal, maaaring umabot pa ito hanggang sa katapusan ng kasalukuyang taon.















