accident1

ILOILO CITY – Pauwi na sana ang sinasakyang elf truck ng mga taong nakipaglibing sa Balunos, Anilao, Iloilo nang mawalan ito ng preno dahilan ng naturang aksidente.

Sa naturang pangyayari isa ang namatay habang 30 pa ang sugatan.

Ang nasawi ay kinilalang si Helen Parcon, 61-anyos.

accindet2

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Barangay Kagawad Leno Antiqueña, sinabi nitong wasak ang ulo ni Parcon.

Aniya, maliban sa namatay mahigit 30 ang mga sakay na pasahero ang sugatan at isa ang patay.

Sinabi ni Antiqueña, marami na ang naaksidente sa nasabing lugar.

Kaagad namang dinala ang mga biktima sa ospital upang malapatan ng lunas.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon na isinasagawa ng Anilao Municipal Police Station..