-- Advertisements --

Isa ang sinasabing namatay habang 10 ang napaulat na sugatan sa pagsabog ng bus sa Tacurong City, Sultan Kudarat.

Sa mga lumabas na ulat, isang improvised explosive device (IED) ang sumabog sa loob ng bus.

Base sa report mula sa Philippine National Police (PNP), ang Yellow Bus Line (YBL) bus mula sa Kidapawan City, Cotabato ay patungo sa kanyang destinasyon sa Tacurong nang sumabog ang IED sa Barangay New Isabela dakong alas-11:30 ng umaga.

Ang City Disaster Risk Reduction and Management Office of Tacurong ang nagbigay ng impormasyon sa namatay.

Sa panig ng militar, lima lamang ang natanggap nilang bilang ng mga nasugatan pero patuloy pa nila itong bina-validate.

Ang mga sugatan namang pasahero ay agad dinala sa St. Louis Hospital at patuloy pa silang ginagamot.

Sinabi naman ni Philippine Army 6th Infantry Division commander M/Gen. Roy Galido na bago ang insidente ay nakatatanggap na raw ang bus company ng banta.

Sa ngayon, inaalam pa ng mga otoridad kung sino ang mga grupong responsable sa krimen.