NAGA CITY- Patay ang isang pinaniniwalaang miyembro ng rebeldeng New People’s Army (NPA) sa engkwentrong naitala sa Sta Cruz Norte, Iriga City.

Sa panayam ng Bombo Radyo Naga kay Capt. John Paul Belleza, Chief ng Division Public Affairs Office (DPAO), 9th Infantry Division, Philippine Army, sinabi nitong rumesponde sa lugar ang mga otoridad matapos makatanggap ng impormasyon na may mga nangyayaring recruitment ng mga rebelde sa barangay.

Kaugnay nito, agad na rumesponde ang mga otoridad kung saan naabutan ang humigit kumulang sa 20 mga rebelde.

Nauwi aniya sa 10-15 minuto ang nasabing bakbakan kung saan napuruhan ang isa sa mga rebelde.

Samantala narekober naman sa lugar ang isang M16 rifle, mga magazine at bala.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang clearing operation ng mga otoridad sa encounter site.