-- Advertisements --

NAGA CITY- Patay ang isang drug personality sa anti-iilegal drug operation ng mga otoridad sa Sitio Dilian, Barangay Luklukan Sur, Jose Panganiban Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si Renato Solano na kasama sa Regional Drug Watchlist.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga sa Camarines Norte Police Provincial Office (CNPPO), napag-alaman na una nang nakabili ang poseur buyer ng dalawang sachet ng pinaniniwalaang shabu sa suspek.

Ngunit nahalata umano nito ang presensya ng mga pulis kung kaya agad naman itong bumunot ng armas at pinaputukan ang mga otoridad ngunit hindi tinamaan.

Dito na gumanti ang operating team kung saan tinamaan si Solano na agad naman na itinakbo sa ospital ngunit idineklarang dead on arrival ng mga doktor.

-- Advertisement --

Narekober sa posisyon ng suspek ang 12 sachet ng pinaniniwalaang shabu, marked money at iba pang alahas.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa naturang insidente.