-- Advertisements --

CEBU – Dismayado ang kapitan ng Barangay Biga sa lungsod ng Toledo, Cebu matapos itong nahaharap sa reklamong harassment laban sa pangulo ng Carmen Copper Corporation (CCC).

Ayon kay Brgy. Biga Captain Pedro Sepada, Jr. nakatanggap ito ng ‘notice’ upang sagutin ang reklamo ng President at CEO ng Mining Company na si Roy Deveraturda sa City Council.

Iginiit ni Sepada na ipina-alala lang nito sa pamunuan ng CCC ang nadiskubreng bitak sa paligid ng copper mining pit. Ayon pa sa opisyal na nakatakda sana siyang makipagpulong sa pamunuan ng kompanya upang mapakinggan umano nito ang sitwasyon ng ilang mga residente sa lugar.

Ikinalungkot ni Sepada ang naturang reklamo laban sa kanya, gayunpaman tiniyak nito na sasagutin ang naturang reklamo sa gitna ng busy schedule nito sa nagpapatuloy na search and retrieval operation sa gumuhong mining pit ng Carmen Copper Corporation sa Brgy. Biga Toledo, Cebu na ikinasawi ng apat na indibidwal.