-- Advertisements --

Nanindigan ang abogado ni Leyte first district Representative Martin Romualdez na hindi tatakas ang mambabatas at nananatiling nasa Pilipinas.

Ayon kay Atty. Ade Fajardo, patuloy ang paggampan ng kongresista ng kaniyang tungkulin bilang kinatawan ng kaniyang distrito.

Iginiit din ng abogado na nakahanda ang kaniyang kliyente na harapin ang preliminary investigation ng Office of the Ombudsman gayundin ang mga alegasyon laban sa kaniya may kaugnayan sa flood control scandal sa pamamagitan ng maayos na proseso.

Binigyang-diin din niya na walang ebidensiya laban sa dating House Speaker dahil hindi siya sangkot sa pagsasabatas ng 2025 national budget maliban sa paglagda nito at sa pagpapatupad ng flood control projects.

Nakita rin aniya sa findings ng nabuwag ng Independent Commission for Infrastructure (ICI) ang kakulangan ng ebidensiya laban sa dating House Speaker.