You are here: HomeNews UpdateTop StoriesDay 18: Phl flag itinaas sa pinagkutaan ng MNLF

Day 18: Phl flag itinaas sa pinagkutaan ng MNLF

By  MRDS Posted in Top Stories Thursday, 26 September 2013 14:49
ZAMBOANGA CITY - Sa ika-18 araw ng Zamboanga standoff, tatlo pang mga sundalo ang nasawi kanina habang anim ang sugatan sa tropa ng pamahalaan kaugnay pa rin sa operasyon laban sa mga miyembro ng Misuari faction ng MNLF.
 
Ayon kay Lt. Col. Ramon Zagala, ang tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP), nangyari ang matinding bakbakan simula pa kagabi sa may Sta. Catalina at sa iba pang mga bahagi na mga critical areas na pinagkukutaan pa rin ng mga rebelde sa pagnanais na mailigtas ang mga natitirang hostages.
 
Sa kabila ng pagkasawi ng ilang mga sundalo, masaya pa ring ibinalita ni Zagala na dahil sa pinaigting na operasyon ng kanilang tropa, simula kahapon hanggang kagabi ay umaabot na sa kabuuang 83 mga miyembro ng Misuari faction ng MNLF ang napasuko at na-capture kahit kapalit man nito ang buhay ng ilang mga sundalo.
 
Kabilang sa mga ito ang dalawang MNLF commander kung saan ang isa ay babae na si Misba Balaji ng Siay, Zamboanga Sibugay at ang isang dating municipal councillor ng Talusan, Zamboanga Sibugay na si Jul Lipae.
 
Kasama rin sa grupo ang sinasabing pamangkin ni MNLF founding chairman Nur Misuari na kinilalang si Ener Misuari.
 
Kinumpirma rin ni Zagala na tuluyan nang nakuha ng tropa ang isang maliit na isla na tinatawag na Sumatra Island na parte ng Barangay Talon-Talon sa bahagi ng mangrove area na napag-alamang pinagkukutaan ng ilang araw na rin ng mga rebelde.
 
Nakita rito ang isang malaking inter-island vessel at mga pump boat na ginamit ng mga rebelde sa kanilang pagpasok sa lungsod kung saan dito rin nakalagay ang watawat ng MNLF.
 
Malaki ang paniniwala ng otoridad na sa maliit na islang ito unang nagtipon ang grupo bago umatake sa mga barangay malapit sa sentro ng lungsod.
 
Napag-alaman na narekober din ang mga mapa sa mga lugar ng Zamboanga City na target daw ng grupo, ilang matataas na kalibre ng baril at mga bala, mga uniporme at iba pang mga kagamitan ng mga rebelde.
 
Dahil sa nabawi na ang lugar na pinagkampuhan ng mga rebelde, mula sa watawat ng  MNLF na nakalagay at taas noo namang  inilagay ng mga tropa ng pamahalaan ang bandila ng Pilipinas.
 
Ang pagkabawi sa ay nagbuwis din ng maraming buhay sa mga sundalo.
 
Sa kasalukuyan nasa 23 na ang kabuuang bilang ng mga nasawi sa panig ng pamahalaan. 
 
Samantala, tulad sa mga nakalipas sumiklab na naman ang dalawang sunog sa magkahiwalay na lugar sa mga lugar na pinagtataguan ng mga armadong grupo. (MRDS)
 
Read 1324 times Last modified on Thursday, 26 September 2013 16:54

Contact Us

  • Address: 2406 Nobel corner Edison Streets, Makati City Philippines
  • Tel: +(632) 843 0116
  • Fax: +(632) 843 0116
  • Email:  This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.