-- Advertisements --

Inihayag ni Senate Minority Leader Juan Miguel ”Migz” Zubiri ang kanyang suporta sa dagdag na pondo para sa Department of Agrarian Reform (DAR) para national budget nito sa 2026.

Pinuri ang ahensya sa matagumpay nitong pamamahagi ng lupa at suporta sa mga magsasaka.

Sa pagdinig ng Senado ukol sa panukalang budget ng DAR, sinabi ni Zubiri na karapat-dapat ang departamento para sa tiwala ng mga magsasaka dahil sa consistent nitong mga ginagawang serbisyo.

Mula Hulyo 2022 hanggang Agosto 2025, nakapamahagi ang DAR ng higit sa 242,000 na mga titulo ng lupa kasabay ang pag-isyu ng mahigit 401,000 na debt condonation certificates, na nakapagpalaya sa 322,000 magsasaka mula sa P41 billion na utang sa lupa.

Bukod dito, naitayo rin ang 213 irrigation system mula sa 344 farm-to-market roads na ayon sa survey ng Commission on Audit (COA) noong 2024 ay nakatulong sa pagtaas ng kita ng 93.65% ng mga magsasaka sa Bukidnon.

Kaugnay nito una nang hiniling ng DAR ang P28 billion na pondo sa 2026, ngunit na-aprubahan lamang ng Department of Budget and Management (DBM) ang P17 billion, na maaari daw makaapekto sa mga programa ng ahensya tulad ng parcelization ng collective land titles.

Pinuna rin ni Zubiri ang kakulangan ng pondo, lalo na sa Bukidnon, at nanawagan na dagdagan ang pondo ng DAR bilang ”Money well spent.”