-- Advertisements --

Magtutungo muli sa White House si Ukrainian President Volodymyr Zelensky.

Ito ay para hikayatin si US President Donald Trump na simulan na ang pamamahagi ng Tomahawk Missiles.

Mahalaga aniya ang nasabing missiles bilang depensa sa patuloy na pag-atake ng Russia.

Sinabi na noon ni Trump na itutuloy niya ang pamamahagi ng Tomahawk missiles sa Ukraine.

Hindi naman nababahala ang Russia dito dahil sa handa umano nilang pabagsakin ang mga missiles na haharap sa kanila.