-- Advertisements --

CEBU CITY – Arestado sa National Bureau of Investigation (NBI) Central Visayas ang 60-anyos taong gulang na dayuhan na nahaharap sa patung-patong na kaso.

Kinilala ang Yugoslavian na si Steve Hidosan Sinisa na inaresto ng otoridad sa pamamagitan ng warrant of arrest kaugnay sa seven counts ng child prostitution at sexual abuse at ang eight counts ng human trafficking.

CEBU NBI YUGOSLAVIAN

Pinangunahan nga NBI Anti-Organized Crime sa Manila Special Investigator 4 Cesar Rivera at ni Cebu investigator Agapito Giran ang pagserve ng warrant of arrest ni Sinisa sa Brgy. Canamucan sa bayan ng Compostela, Cebu.

Nabatid na nag-sideline din umano ang dayuhan sa pagbenta ng mga manok pansabong at nagpakilala bilang canine trainer ng Philippine National Police at ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Ayon kay NBI-7 director Atty. Renan Oliva na noon pang Enero 14 taong 2013 nang lumabas ang warrant of arrest ni Sinisa sa Regional Trial Court Branch 61 sa Angeles City, Pampanga.

Inihayag ni Oliva na galing sa Pampanga ang banyaga at nagtago sa loob ng walong taon.

Natunton ang suspek matapos inireport ng isang informant.

Wala rin umanong naipakitang dokumento si Sinisa na magpapatunay na legal pa itong mananatili sa bayan ng Compostela.

Ginawa ngayong araw sa Cebu ang documentation ng suspek at makukulong sa Angeles City Jail.

Sa oras na ma-convict ang dayuhan, haharapin nito ang parusa kabilang na ang pagpapa-deport sa kanyang lugar.