Maglabas ang gobyerno ng mga yellow card para sa mga aalis na overseas Filipino workers (OFW) na fully vaccinated na.
Ayon sa Philippine Overseas Employment Administration (POEA), inabisuhan ng ahensiya ang mga OFWs na kumuha ng International Certificate of Vaccination (ICV) o tinawag na “yellow card” kung kinakailangan ng host country.
Naglabas naman ng advisory ang POEA na mag-apply ng yellow card ang mga outbound travelers na fully vaccinated sa Bureau of Quarantine (BOQ) kung kinakailangan ng bansa na kanilang pupuntahan.
Sinabi ng POEA na ang mga guidelines na ibinigay ng National COVID-19 Vaccination Operation Center ay nararapat sa mga outbound travelers mula sa Pilipinas.
Sinabi ng POEA, ang yellow card ay ilalabas sa mga OFW hanggang maging fully operational ang Certificate of Vaccination Record Portal.
Ang mga aplikante para sa ICV ay dapat makapagbayad ng P300 sa pamamagitan ng elektronikong paraan kapag kumukuha ng appointment sa pamamagitan ng BOQ Medical Services OBS platform.
Una nang naisama ang mga OFW sa listahan ng prayoridad ng programa ng pagbabakuna ng gobyerno.