-- Advertisements --

Patay na nang matagpuan ang isang lalaki sa Sudlon 1 sa Cebu City nitong Setyembre 3 matapos umano itong kidnapin ng dalawang lalaki dahil sa umano’y away sa lupa.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, galing pa raw ang biktima sa Sitio Nagka sa bayan ng Consolacion sa Cebu bago ito dukutin ng mga suspek at isakay sa pulang sasakyan na nirentahan ng mga ito. Natagpuan na lamang ang bangkay ng biktima na may dalawang tama ng baril.

Naaresto naman ang dalawang suspek sa ikinasang hot pursuit operation ng mga awtoridad sa tulong ng pahayag ng mga saksi sa krimen at kuha ng CCTV footage at sa pag-trace ng sasakyang ginamit sa krimen. Lumabas din sa imbestigasyon na nakarehistro ang pulang sasakyan sa isang residente ng Bgry. Tisa, Cebu City kung saan napag-alaman na nirentahan ito ng mga suspek.

Naaresto naman ang ikatlo pang suspek sa Brgy. basak Pardo sa Cebu City kung saan ibinahagi nito na may pabuya raw na P50,000 ang pagpapatay sa nasabing carinderia owner.

Patuloy naman ang pag-iimbestiga ng lokal na pulisya ng Cebu City sa kaso habang patuloy pang pinaghahahanap ang iba pang sangkot sa krimen.