Reading Time: 1 minute

BACOLOD CITY – Nagpasaklolo na sa Bacolod City Police ang ilang empleyado ng ng Vallacar Transit Inc. na naiipit umano sa hidwaan ng magkakapatid mula sa Yanson Group of Bus Companies.

Kabilang sa mga nagreklamo sina Keith Darryl Mediavilla, Grace Sealmoy at Chance Ayeng, researchers ng bus transit.

Nagreklamo rin ng harrassment ang empleyadong sina Charlie Win Balintaculo; family council staff Jay Anne Amacio at legal staff’s Devie Peruelo at Charmain Quitco.

Sila ay mga empleyado ng Ceres Compound sa Purok Himaya, Barangay Mansilingan, Bacolod City.

Batay sa salaysay ng complainants, hindi sila pinapasok sa kanilang opisina ng mga kapatid ng pinatalsik na president ng bus group na sina Roy, Ma. Celina Lourdes, Emily at Ricardo Yanson, Jr.

Kabilang kasi ang mga ito sa partidong bumoto para patalsikin ang kapatid na si Leo Roy.

Ayon sa mga empleyado, binantaan sila ni Emily makaraang dumalo sa meeting.

Inungkat din daw ang kanilang paninilbihan sa kompanya.