Nais ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na tuluyan pa ring arestuhin ang dalawang personalidad na iniuugnay sa umano’y overpriced na pagbili ng mga personal protective equipment (PPE).
Partikular na nais nitong ikulong ng Senate blue ribbon committee ang dating economic adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Michael Yang at director ng Pharmally na si Linconn Ong.
Ayon kay Sen. Panfilo Lacson, nagbabanggaan ang mga testimonya nina Yang at Ong ukol sa mga pinasok na deal gamit ang government fund.
“The same contempt citation should be issued against Michael Yang because earlier sagot n’ya role lang n’ya was to introduce and then he left them alone which as it appears now is not the case because he played a major role in continuously dealing with suppliers by guaranteeing that they will be paid by Lincoln Ong,” wika ni Lacson.
Pinangalawahan naman ni Sen. Risa Hontiveros ang hakbang ni Lacson laban kina Yang at Ong.
Gayunman, hindi maaaring arestuhin agad si Ong dahil inamin nito sa hearing na positibo siya sa COVID-19.