Ric Flair
Ric Flair

Itinakbo sa pagamutan si WWE legend Ric Flair.

Nasa Atlanta ang 70-anyos na wrestler ng nakaramdam ito ng hindi maganda kaya agad itong dinala sa pagamutan.

Hindi naman binanggit ng kampo nito ang sakit at kalagayan ng dating wrestler.

Nauna rito noong 2017 ay 11 araw itong na-coma na pinangambahang ito ay mamamatay na.

Nagdiwang ito ng kaniyang 70 kaarawan noong Pebrero na dinaluhan ng mga sikat na atleta gaya nina Dennis Rodman, Evander Holyfield at Triple H.