Ashley Massaro
Massaro/ Youtube image

Pumanaw ang dating WWE superstar Ashley Massaro sa edad 39.

Hindi naman binanggit ng kampo nito ang sanhi ng kamatayan niya kung saan itinakbo pa ito sa pagamutan mula sa kaniyang bahay sa Suffolk County sa NY.

Sinasabing may matagal na dinaramdam ang nasabing wrestler.

Sumikat si Massaro noong WWE 2005 Raw Diva.

Naging kasama-sama siya sa tag team champions na sina Paul London at Brian Kendrick.

Isa sa pinakamalaking laban nito ay noong WWE Women’s Championship laban kay Melina sa Wrestlemania 23 noong 2007.
Lumahok din ito sa “Survivor: China” noong 2007 subalit agad din itong napalayas.

Noong Abril 2007 ay lumabas din ito sa Playboy Magazine.