-- Advertisements --

Pinapayagan ang work from home arrangement para sa mga empleyado ng gobyerno at asynchronous classes sa mga pampublikong paaralan sa Martes, October 31,2023.

Ito ay base sa inilabas na memorandum na inilabas ng Office of the President.

Sa memorandum circular No. 38 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin, nakasaad na ang hakbang na ito ay para mabigyan ng buong pagkakataon ang mga kawani ng pamahalaan na gunitain ang Undas sa November 1 at para makapagbiyahe din ang mga ito sa ibat ibang probinsiya sa bansa.

Nilinaw naman ni Bersamin na hindi kasama rito ang mga ahensya ng pamahalaan na ang tungkulin ay may kinalaman sa pagbibigay ng basic and health services, kahandaan at pagtugon sa sakuna at kalamidad.

Ipinauubaya naman ng Palasyo sa mga pribadong kumpanya at mga paaralan ang pasya kung magpapatupad ng kahalintulad na work arrangement at klase.