-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Mas uminit pa sa ngayon ang wordwar sa pagitan ng gobernador at bise gobernador ng probinsiya ng South Cotabato.

Ito ay may kaugnayan sa kontrobersiya na umano’y panunuhol ng gobernador sa siyam “ na kasapi ng Sangguniang Panlalawigan ng probinsiya upang paburan umano ang lahat ng mga isinusulong ng ehekutibo.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Koronadal kay South Cotabato Vice Governor Vic De Jesus, nag-ugat umano ang pag-single out sa kanya ni Governor Reynaldo Tamayo Jr. sa mga kinuwestiyon na mga proposal ng ehekutibo na hindi nabigyan ng kumpletong dokumento at hindi man lang nadepensahan ng program holder nito.

Ayon kay De Jesus, hindi siya maaaring makapagsalita in-behalf ng siyam na mga board members sa pagtanggap ng P30K kada buwan mula sa gobernador na hindi naman malinaw kung saan naggaling ang pera.

Mahigpit naman na itinanggi ng gobernador na nanunuhod ito sa halip inamin nito na noong pasko ay binigyan niya ng pera ang bise gobernador at ang lahat ng mga Board members.

Ibinalik niya naman sa bise gobernador ang akusasyon na humihingi ito ng 5% sa isinusulong na loan ng provincial government bago umano aprubahan na itinanggi naman ng opisyal.