-- Advertisements --

Hinatulang makulong ng siyam na taon ng korte sa Russia si WNBA star Brittney Griner.

Bukod pa dito ay pinagbabayad pa si Giner ng 1 milyon rubies o katumbas ng $16,300.

Nakita kasi ng judge sa Russia na guilty si Griner sa kasong kinakaharap nito.

Naging emosyonal si Griner ng humarap ito sa korte at humingi ito ng kapatawaran dahil sa pagdadala ng hashish oil sa kaniyang bagahe noong Pebrero.

Unang humiling din Griner sa judge na kung maari ay huwag siyang patawan ng mabigat na parusa.

Nauna ng naghain ng guilty plea si Griner noong nakaraang buwan kung saan tiniyak ng kaniyang mga abogado na kanilang iaapela ang kaso.

Magugunitang nag-alok si US President Joe Biden ng prison swap subalit naging malamig ang tugon dito ng Russia.