kalibo
Miss Asia Pacific International

KALIBO, Aklan— Bumisita sa isla ng Boracay ang mga nanalong beauty queens ng Miss Asia Pacific International 2019.

Mainit na sinalubong ng pamunuan ng Municipal Tourism Office ng lokal na pamahalaan ng Malay, Aklan ang mga nagagandahang dilag na kinabibilangan nina:

Miss Asia Pacific International 2019 – Ms. Chaiyenne Huisman (Spain)
1st Runner-Up – Eoanna Constanza (Dominican Republic)
2nd Runner-Up – Jessica Cianchino (Canada)
3rd Runner-Up – Carolina Schuler (Brazil)
4th Runner-Up – Fiorella Cortez Arbenz (Costa Rica)

Una rito, nagcourtesy call ang mga ito kasama ang kanilang organizer sa tanggapan ng alkalde kung saan, nagkaroon ng pagkakataon na makadaupang palad sila ni Acting Mayor Frolibar Bautista.

Nabatid na sila ang nakasungkit ng korona sa halos 53 mga kandidatang kalahalok sa Miss Asia Pacific International pageant na ginanap noong October 9, 2019 sa Newport Performing Arts Theater it Resorts World Manila sa Pasay City.