Wilder x Fury 1
Fury and Wilder

Sinisi ni Deontay Wilder ang suot nitong costume kaya siya natalo kay Tyson Fury nitong Linggo.

Aabot kasi sa 40-pound ang bigat ng costume nito bilang tribute sa Black History Month habang ito paakyat sa boxing ring ng MGM Grand arena sa Las Vegas.

Sinabi nito na dahil sa kabigatan aniya ng costume ay tila napagod ang kaniyang mga tuhod.

Dagdag pa ng 34-anyos na US boxer na alam ng kaniyang mga fans na kaya niyang talunin si Fury.

Magugunitang tatlong beses siya pinabagsak ni Fury sa nasabing laban.