-- Advertisements --

Pabalik na sa Australia si Wikileaks founder Julian Assange matapos na palayain sa kulungan sa Britanya.

Nagtapos na kasi ang plea deal niya laban sa extradition sa US sa loob ng 12 taon.

Sa loob kasi ng limang taon ay nananatili ito sa high-security prison sa southeast London at halos pitong taon naman sa Ecuadorian embassy.

Magugunitang nitong Lunes ay pumayag ang 52-anyos na si Assange na mag-plead ng guilty sa felony charges na may kinalaman sa isa sa pinakamalaking US government breaches ng classified materials matapos na isiwalat nito sa knaiyang website.

Iinilathala nito sa kaniyang websites ang kalahating milyong sekretong military document na may kinalaman sa giyera ng US sa Iraq at Afghanista.