-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Binisita na ng ilang mga opisyal ng World Health Organization (WHO) ang mga bansa na sakop ng North at South Africa.

Ito ay kasunod ng kanilang anunsyo na lilipat ang epecinter ng Coronavirus Disease (COVID-19) pandemic sa kontinente ng Aprika mula sa kasalukuyang lokasyon sa mga bansa na sako ng Uropa.

Inihayag sa Bombo Radyo ng international news correspondent na si Engr John Fozz na trabahante ng isang government petreleum corporation sa Bhengazi City na bagamat naka-lockdown ang bansa ng Libya subalit batid nito na karamihan sa mga karatig estado ng Aprika ay hindi pa handa upang kaharapin ang virus.

Dagdag ni Fozz ang pagdating ng ilang WHO officials sa Aprika ay bunsod ng malaking pangamba na tatamaan ng husto ng bayrus ang mga mahihirap na mga bansa.

Bagamat mismo sa Libya ay walang naiulat na Pinoy na nahawaan nang mapasok ng virus kung saan 60 lamang ang kaso at isang pasyente lamang ang nasawi.

Si Fozz ay 13 taon nang nagta-trabaho sa Libya bilang executive official sa gobyernong pasilidad ng petrolyo.