Nagbabala ang World Health Organization (WHO) na magkakaroon ng matinding epekto pa kapag maagang tinanggal ang lockdown.
Ayon kay WHO Director General Dr Tedros Adhanom Ghebreyesus, na dapat maging maingat ang mga bansa sa maagang pagtanggal ng nasabing restriction kahit na may malaking epekto ito sa ekonomiya ng bansa.
Nakikipag-ugnayan na sila sa mga bansa kung ano ang maaari nilang gawin para bahagyang luwagan o tanggalin ng tuluyan ang mga restrictions o lockdown.
“I know that some countries are already planning the transition out of stay-at-home restrictions. WHO wants to see restrictions lifted as much as anyone, at the same time, lifting restrictions too quickly could lead to a deadly resurgence. The way down can be as dangerous as the way up if not managed properly.” wika ng WHO Director General.
Reaksyon ito ng WHO sa balak ng gobyerno ng Spain na pagbabalik ng ilang mga negosyo sa araw ng Lunes.
Sa loob kasi ng 17 araw ay patuloy na bumababa ang bilang ng mga namamatay sa Spain.
Gayon pa man ay hinihikayat pa rin ng gobyerno ng Spain na sundin ang ipinapatupad na social distancing.