-- Advertisements --

Pinayuhan ng World Health Organization (WHO) ang mga dinapuan ng monkeypox na iwasang ma-expose sa mga hayop.

Kasunod ito sa napaulat ng pagkakahawa ng isang aso ng madapuan ng monkeypox ang amo nito sa Paris.

Ayon kay WHO technical lead for monkeypox Rosamund Lewis na ang unang kaso ng human-to-animal transmission ay siyang kauna-unahang insidente ng pagkakahawa.

Mula noon pa man ay ipinapayo ng WHO na ang mga nagpositibo sa monkeypox virus ay dapat naka-isolate.

Paglilinaw naman nito na malayong makahawa naman ang nasabing virus sa mga hayop NA nakatira sa labas ng isang bahay.