-- Advertisements --

Ikinabahala ng World Health Organization (WHO) ang pagtaas ng kaso ng tigdas sa Europa.

Base sa kanilang talaan na umakyat s mahigit 30,000 na kaso ng tigdas ang naitala sa Europa mula Enero hanggang Oktubre noong nakaraang taon.

Ang nasabing bilang ay 30 beses na mas mataas noong 2022.

Dahil dito ay nanawagan ang WHO ng agarang pagpapabakuna.

Mayroong 40 sa 53 na bansa sa Europa ang nagtala ng kaso ng tigdas kabilang na ang Russia at Central Asia.

Ang Russia at Kazakhstan ang may mataas na bilang na umabot sa 10,000 na kaso bawat bansa habang sa Western Europe ang Britanya ang may mataas na kaso na umabot sa 183.