Welcome sa pamunuan ng PNP ang pagkaka-apruba sa House Bill 7814 o Strengthening Drug Prevention and Control Act.
Layon ng hakbang na amyendahan at mapalakas ang Republic Act 9165 o Dangerous Drugs Act of 2002, upang maging mas epektibo ang kampanya kontra droga ng pamahalaan.
Ayon kay PNP Spokesperson PBgen. Ildebrandi Usana, ang anumang aksyon ng lehislatura na makakatulong sa pagsugpo ng ilegal na droga sa bansa ay katanggap-tanggap sa PNP.
Ilan sa mga pagbabagong isinusulong ng hakbang ang pagpaparusa sa lessors o landlords na nagpapaupa ng pag-aari para gawing laboratoryo o drug dens, at ang pag-alis sa “presumption of innocence” ng mga protectors o financiers ng mga drug lords.
Sinabi ni Usana na kumpiansa ang PNP na isinaalang-alang ng mga mambabatas ang konstitusyon, karapatang pantao, at proteksyon ng mamayan sa pagbuo nila ng naturang hakbang.