Pinatawan ng 23 taon pagkakakulong si film producer Harvey Weinstein dahil sa kasong rape at sexual assault.

Naka-wheelchair an 67-anyos na si Weinstein habang binabasa ang hatol laban sa kaniya.

Noong nakaraang buwan ay hinatulang guilty ito sa pagdinig sa New York.

Ang kaso ay may kaugnayan sa sexual act laban sa production assitant nitong si Miriam Haley noong 2006 at third-degree rape sa aspiring actress na si Jessica Mann noong 2013.

Binasura naman ng mga jurors ng New York ang mga seryosong kaso nito gaya ng predatory sexual assault na maaaring maharap ito ng mas mahabang taon sa kulungan.

Magugunitang lumutang ang reklamo kay Weinstein noong Oktubre 2017 kung saan naglabas ito agad ng paumanhin.

Mula noon ay nagsipaglabasan ang mga reklamo sa kaniya na kinabibilangan ng ilang mga artista sa Hollywood.

Nagsimula ang criminal investigation sa New York noong 2017 pero hindi ito nakasuhan hanggang boluntaryong sumuko si Weinstein.