-- Advertisements --
Idineklara ng Malacañang ang Hunyo 24, 2025 bilang special non-working day sa lungsod ng San Juan.
Ito ay may kaugnayan sa taunang Wattah! Wattah! Festival.
Ang nasabing anunsiyo ay nakasaad sa Proclamation 929 na pirmado ni Executive Secretary Lucas Bersamin.
Layon ng nasabing deklarasyon ay para makadalo sa kasiyahan ang mga residente ng San Juan City.