Aminado ang Golden State Warriors na dadaan sila sa butas ng karayom sa Game 6 bukas laban sa Boston Celtics bago masungkit ang pinakamimithing korona sa NBA finals.
Bagamat isang panalo na lamang ang kanilang kailangan, para kina Klay Thompson at Andre Iguodala at coach Steve Kerr, inaasahan daw nila na lalaban hanggang sa huling sandali ang Boston lalo na at gagawin ang laro sa teritoryo nila simula bukas ng alas-9:00 ng umaga.
Alam din daw ng Warriors na sasabak sa desperadong laro ang Celtics upang ma-extend pa ang serye hanggang sa Game 7 sa Lunes.
Dahil dito ayon kay Thompson, kailangang maghanda sila ng husto na tapatan anuman ang gagawin ng Boston.
Samantala, maging ang Warriors superstar na si Steve Curry ay binalaan ang kanyang mga teammates na maghanda sa pinakamahirap na laban.
Nagpatikim din si Curry sa gagawin nilang adjustments lalo na raw sa pisikalan na laro.