Kinumpirma ni Executive Secretary Victor Rodriguez na mula mismo sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ginawang pagsalakay ng agents of the Bureau of Customs (BoC) sa isang warehouse na naglalaman ng sako-sakong asukal sa Pampanga.
Isinagawa ito ng mga operatiba ng Clark-based Customs Intelligence and Investigation Service (CIIS) at Enforcement and Security Service (ESS) – Quick Reaction Team at pag-alalay ng Philippine National Police (PNP).
Bitbit ng raiding team ang Letter of Authority (LOA) at Mission Order (MO) No. 08 15 2022 519, nang isagawa ang pagsalakay.
Isang Chinese-Filipinos warehouse keeper naman ng warehouse na kinilalang si Jimmy Ng ang tumanggap ng LOA at MO mula sa BOC agents.
Natagpuan din sa pasilidad ang ilang imported items na tulad ng sako-sakong corn starch mula sa China, imported flour, plastic products, langis na nasa plastic barrels, motorcycle parts at iba’t-ibang gulong, helmets, LED Televisions sets at pintura.
Mahaharap naman sa patung-patong na kaso ang mga nasa likod ng sinalakay na warehouse.