BAGUIO CITY – Ipinag-utos na ng City Director ng Baguio City Police Office (BCPO) ang pag-alis ng mga station commanders sa ‘wang-wang’ ng lahat ng mga patrol cars sa lungsod.

Ayon kay Police Senior Superintendent Eliseo Tanding, bahagi ito ng kanilang pagpapatupad sa ‘no wang-wang (siren)’ policy ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Maaalalang sa nasabing polisiya ay ipinagbabawal ang paggamit ng sirena kahit pa ang mga pulis.

Sinabi niya na hindi kailangan ang wang-wang sa pagpapatrolya ng mga pulis sa ibat-ibang bahagi ng lungsod.

Samantala, patuloy ang mahigpit niyang utos sa 10 na himpilan ng pulisya sa lungsod para bantayan ng mga ito ang kabuuan ng Baguio para mapanatili ang katahimikan at kaayusan.