Nagsuspinde na ng klase at trabaho sa gobyerno ang ilang lokal na pamahalaan sa Mindanao matapos ang malakas na lindol na yumanig sa bahagi ng Davao Oriental.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naitala ang Magnitude 7.6 na lindol dakong alas-9:43 ng umaga, 62 kilometro ng timog-silangan ng Manay, Davao Oriental.
Narito ang mga lugar na nag-anunsyo ng suspensyon:
- Davao City – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Davao del Sur
- Santa Cruz – Lahat ng antas, pampubliko at pribado; asynchronous learning ipinatupad
Davao Oriental
- Boston – Klase at trabaho sa gobyerno
- Tarragona – Klase at trabaho sa gobyerno
Davao del Norte
Braulio E. Dujali – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
South Cotabato
- Koronadal City – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
- Cotabato City – Lahat ng antas, pampubliko at pribado
Wala pang inilalabas na impormasyon ang Phivolcs ukol sa mga instrumental at reported intensities ng lindol. Patuloy pa rin ang monitoring at inaasahang maglalabas ng karagdagang detalye sa mga susunod na oras.
This is developing story. Manatiling nakaantabay para sa mga susunod na update.