-- Advertisements --

Tiniyak ni Department of Trade and Industry (DTI) Sec. Ma. Cristina Roque na walang mangyayaring pagtaas sa presyo ng mga pangunahing bilihin bago matapos ang taon.

Saklaw nito ang presyo ng basic commodities at prime commodities sa buong bansa.

Paliwanag ng kalihim, napakiusapan ang lahat ng mga producer at manufacturer na panatilihin muna ang kasalukuyang presyo ng kanilang mga paninda o producto.

Nangako rin ang mga ito na walang mangyayaring pagtaas, bago matapos ang kasalukuyang taon.

Giit ng kalihim, magandang sinyales ito dahil nagkakaroon ng maayos na kooperasyon sa pagitan ng mga negosyante at mga consumer.

Paliwanag pa ng kalihim, nagtutulungan ang bawat isa para maibigay ang tamang presyo sa mga konsyumer, nang hindi nasasakripisyo ang kalidad ng mga produkto.