-- Advertisements --

Walang ebidensiya sa ngayon na nagpapakitang nagkaroon ng krimen sa ilang linggong pagkawala ng bride-to-be na si Sherra de Juan na natagpuan lamang kahapon sa Sison, Pangasinan.

Ayon kay QCPD spokesperson PMaj. Jennifer Gannaban, lumalabas sa paunang imbestigasyon na walang sinyales ng pisikal na pananakit o pwersahang pagkulong kay de Juan.

Subalit sa oras aniya na makumpirma kung sapilitan bang dinala doon sa lugar o hindi si de Juan saka aniya maglalabas ng update ang kapulisan.

Matatandaan, napaulat na nawawala si de Juan noong disyembre 10 matapos umalis ng kanilang bahay para bumili ng sapatos sa isang mall sa Quezon City. Natagpuan siya nitong Disyembre 29 sa Sison, Pangasinan.