Wala umanong nakikitang dahilan ang AFP na itaas sa red alert ang kanilang estado sa pagbubukas ng klase sa Lunes.
Sinabi ni Arevalo wala naman silang namo-monitor na seryosong banta sa pagbubukas ng klase sa bansa.
Matapos ang halalan, balik na sa normal alert ng AFP sa buong bansa.
Sa Mindanao, hindi na kailangan itaas sa red alert status dahil umiiral pa rin ang Martial Law.
Tututukan din ng militar sa Mindanao ang mga Salugpungan school na umano’y nagagamit ng mga miyembro ng New People’s Army para kumbinsihin ang mga kabataan na magrebelde laban sa gobyerno.
Kaisa din ang mga sundalo sa programa ng Department of Education ang “Brigada Eskwela.”
Nakahanda rin ang militar na umalalay sa mga pulis sa pagbibigay seguridad lalo na mga tinaguriang critical areas sa Mindanao.