Wala pang konkretong ebidensiya na nagtuturo kay dating House speaker Martin Romualdez na sangkot sa flood control anomaly.
Ito ang binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ng humarap sa media ngayong araw.
Sinabi ng Pangulo nasa 37 mambabatas ang nasa listahan na sasampahan ng kasong kriminal at administratibo dahil sa pagkakasangkot sa maanomalyang flood control projects.
Sa 37 na mga pangalan ng mga lawmakers, hindi kasama dito si dating House Speaker Martin Romualdez.
Gayunpaman sinabi ng Pangulo na kapag may mga lumabas sa imbestigasyon mananagot din ang kaniyang pinsang buo.
Sinabi ng Pangulo, lumabas ang pangalan ni Romualdez sa pagdinig ng Senado.
Paglilinaw din ng Presidente na hindi naman sila basta na lamang nagsasampa ng kaso.
Aniya ang kanilang hakbang ay mag build up ng mga kaso para mapanagot ang mga sangkot.
Hinimok ng Pangulo ang taumbayan na bigyan sila ng konkretong ebidensiya ng sa gayon magamit ito para kasuhan ang kahit sino.
Pagdidiin ng Presidente walang immune dito at walang exempted sa imbestigasyon.










