-- Advertisements --
Pomal nang kinasuhan ng Las Pinas City Prosecutor’s Office sa regional trial court (RTC) ng illegal possession of dangerous drugs si Juanito Jose Remulla III, na anak ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.
Wala namang inirekomenda na piyansa laban sa nakakabatang Remulla na lumabag umano sa batas na may kinalaman sa Section 11 (possession of dangerous drugs) ng Republic Act No. 9165, at sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Una nang inaresto sa Las Pinas si Juanito ng mga ahente Philippine Drugs Enforcement Agency (PDEA) at ng Ninoy Aquino International Airport Inter-Agency Drug Interdiction Task Group (NAIA-IADITG) kung saan doon naka-address ang aprcel ng marijuana na nagkakahalaga ng P125 million.