-- Advertisements --

Iginiit ni Interim President Delcy Rodríguez na ang gobyerno ng Venezuela ang may ganap na kontrol sa bansa at walang banyagang kapangyarihan, kasunod ng pagkaka-aresto kay dating President Nicolás Maduro ng U.S. forces.

Ayon kay Rodríguez, tanging pamahalaan ng Venezuela ang may kapangyarihan sa kanilang teritoryo at wala nang iba pa. Kaugnay nito, iniutos niya ang pitong araw ng pagdadalamhati para sa mga nasawi sa naturang operasyon.

Samantala, inihayag ni U.S. President Donald Trump na magsisimula ang Caracas sa paglilipat ng 30–50 milyong bariles ng langis sa Estados Unidos, at ang kita mula rito ay “ikokontrol” umano ng kanyang administrasyon.

Nanatiling tensiyonado ang sitwasyon sa bansa dahil sa pressure mula sa loob ng militar, mga paramilitar, at sa internasyonal na komunidad.