Iginiit ng Department of Education (DepEd) na mananatiling walang “physical classes” sa pagbukas ng klase sa buwan ng Setyembre.
Sa inilabas na department order sa nasabing ahensiya, magsisimula ang school year sa Setyembre 13 at magtatapos sa Hunyo 24, 2022.
Ito ay binubuo ng 209 araw ng pag-aaral, kasama ang Sabado at ang limang-araw na midyear break.
Sinabi rin ng DepEd na ang face-to-face classes, alinman sa partial o full scale, ay hindi papayagan maliban kung may permit mula kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Tungkol nama sa mga pribadong paaralan at estado o lokal na unibersidad at kolehiyo (SUCs / LUCs), sinabi ng ahensya na may pagpipilian silang ipatupad o lumihis mula sa school calendar.
“Bukod dito, maaari silang magsimula ng mga klase nang hindi mas maaga sa unang Lunes ng Hunyo at hindi lalagpas sa Setyembre 13, 2021 alinsunod sa RA (Republic Act) 11480,” .
Sinabi din ng DepEd na ang mga paaralan ay maaaring magdaos ng mga national and local celebrations o mga aktibidad at piyesta opisyal, sa kondisyon na ito ay kapaki-pakinabang sa teaching-learning process at ang kabuuang bilang ng mga araw ng klase ay hindi makompromiso.